Monday, January 28, 2013

"Happy BABY means, happy MOMMY!



Hi mommies out there! Siguro makaka relate kayo sa akin when talking 'bout our kiddos. Siempre, lahat gusto natin diba na "best" for them? Kaya bago ako mamili ng mga gamit and specially food ni baby, nag re research ako and kumukuha ng ideas ng mga ibang moms and of course sa mga "matatanda" (dami kasi nila alam noh na minsan parang nasa likod ng isip mo, Anong connection nun?). Wala din naman "daw" mawawala pagsusundin well, for me meron kasi siempre pag hindi ka convinced sa idea bakit mo susundin so wala kang faith, yung ang nawala! Let's say for example, bawal daw putulan ng hair pag wala pa 1 year ang baby. Eh paano gawin ko tumutusok sa mata ni baby, kaya yun pinutol ko (pero nilagay ko yung ginupit na hair sa Bible, book daw kasi para tatalino eh gusto ko matalino na God fearing pa kaya sa Bible na)

 As I said, the best lage for baby iniisip natin kaya yung mga bagay na positive lang kinukuha ko from the "matatanda". 


Here are some items that I got for my baby Lia.


got this from Healthy Options for P285, it's organic kaya good for the health


                    Earth's Best organic baby food, prunes and peas flavor at P59 each, (they had also squash, sweet potato, banana, apple) meron kasi yun sa market kaya ako nalang gagawa.


from S-26 Gold to Promil Gold (kasi hindi katulad ng ibang product na same name. Sa Wyeth for 0-6 mos S-26, 6-1year Promil, and 1-3years Progress.


got this stuff at Toy Kingdom Sale last December at the Megamall and it's very useful kasi it comes with the grater, juicer, strainer, bowl and masher and spoon and dish, its 5-IN-1!


I've tried other brands before settling to Pampers, well siya lang kasi ang maganda di katulad ng iba na mas mura pero low quality. Yung Cetaphil for baby Lia's face (sa akin din!) pag naliligo, then J & J for her body and lotion. She had also her cologne from Bench, its Colonia, bubblegum flavor (nalaman ko to sa iba blogspot ng isang mommy)


This is what her Ped prescribed for her vit.


collection of headbands and bracelets. (pero di nya masyado type pero bili ako ng bili marami pa jan di ko na sinali kasi sinira nya. Sabe ng dad nya hindi si baby ang maarte kundi ang MOMMY, hehe TRUE!)



she's really an Avent girl from the start. It started nung binigyan ako ng niece ko ( 2 pcs. 6 oz. size) from Qatar, buntis pako nun and no idea bout bottles and all baby stuffs. Sabe ng niece ko maganda daw wala daw kabag ang baby and durable. When I googled it, sabe ko kay cutie maganda pala talaga yung Avent pero nung tinanong nya ako,

Cutie: magkano daw isa nun?
Ako: P500.
Cutie: nge! mahal naman pala nun.
Ako: maganda daw yun cutie kasi ang primary prob ng baby kabag, eh yun, designed talaga na ma lessen  yung kabag ng baby kung di man ma prevent.
Cutie: ok sige, basta para kay baby.

Kaya yun, Avent na gamit namin. But actually, he tried to buy Farlin pala 3 pcs 11 oz at P340 (kasi namahalan na si cutie and nagreklamo nako na kulang na ang bottles) but nun pinadede ko kay baby ayaw kasi iba ang teats ng Avent kaya hindi rin nagamit.


photobook from Photobook Philippines (got the voucher from http://www.beeconomic.com.ph)Guestbook ni baby nung Christening nya (super ganda ng products nila, so easy yung designer).Got that shoe souvenir from http://sweetlilsoles.multiply.com/.


made this clips myself



soothing teethers (chicco and diko alam anu to, it's a gift kasi)



and this is my baby LIA! She's 6 months and she got 4 teeth and as you can see, marunong na siya umupo, YES! Proud and HAPPY MOMMY ME!




irish


Sunday, January 27, 2013

What transpired yesterday...


So devastated yesterday sa result ng exam namin sa Legal Forms. Well, nobody should be blamed 'bout it but ME, and ONLY ME! Not the professor, not the time but girl, yeah I know It's just ME! I'll be more focus this time. But anyway, so ganun nangyari binigay booklet namin, nakita ko score ko laglag balikat. Hayyy...sabagay 3 lang din daw nakapasa pero hindi pa rin ako dapat masaya, yun sabe ko sa sarili ko. You become, what you THINK (sabe nga ni Earl Nightangle) Kung iisipin kong KAYA ko, PWEDE at POSSIBLE!Kaya humanda KAYO! (sino may kaaway lang?) Ok, balik uli tayo sa topic, so ganun lahat kami nalungkot (except the 3 na nakapasa) tas sabe ni sir kung may exam kami sa ibang subject pwede kami mag review, so nag review ang iba. Ako pumunta sa Library at nanghiram ng book ng Admin (exam ko sa Wednesday, last subject exam for Midterms) at Taxation. Pagbalik ko sa room, dismiss na daw so pumunta kagad ako sa PNR station para umuwi. Nyemas (pahiram Carlos) pa nasiraan (ay bago pa ba sa issue na yan?) pa ang train so 2 hours akong nasa loob ng train bago mag Alabang. Derecho kagad ako sa sa 2nd floor ng Metropolis (Metropolis na pag baba mo ng station ng Alabang) sa Grennwich wala kasi ako lunch at 4pm na, buti wala tao ako kagad ini entertain ni miss...

Miss: Good Afternoon mam, anu order nyo?
Ako: pwede debit?
Miss: credit lang mam.
Ako: ay wait (tinignan ang wallet P100 lang pera) sige miss creditcard nalang.
Miss: anu po order nyo?
Ako: yung may spag at pizza.
Miss: P99. mam
Ako: (sumipat sa taas na may picture ng mga oorderin) ay yun nalang may rice, pizza,spag at chicken nalang tsaka pineapple juice, sabay abot sa creditcard.
Miss: ay may minimum po kami sa creditcard card at least P200 po.
Ako: shocks! wait wala ako pera (chineck ang coin purse)10,20,30, magkano nga uli miss?
Miss: P141 man
Ako: 10,30,40,50 ok sige meron pala...
Miss: sige mam sabay bigay sa akin nito...antayin nyo lang order nyo
Ako: anu 'to?
Miss: pag iilaw tsaka mag vibrate yan mam punta lang po kayo sa gilid ng counter para i claim yung order nyo.
Ako: so iilaw to? (paulit ulit?)
Miss: opo iilaw po yan.
Ako: wow bago ah, wala nang number.

Humanap na din ako ng mauupuan, siempre namili muna ng malamig at galeng ako sa bartolina ng train. Habang nag antay ng pag ilaw at pag vibrate niot, pinicturan ko muna siya.

As advised, umilaw at nag vibrate nga siya, tinignan ko kung may pinipindot sila panu nag work ang ganito or timer lang,pero pag punta ko to claim naka ready na ang food, Isn't that AMAZING?

so ito na ang order ko, KAIN NAAA!

reimbursement?kanino? wala para alam nyo lang magkano yung inorder ko.


After kumain, siempre busog na maganda na mode. Nagpunta ako sa Robinsons Supermarket. Since may backpack ako kailangan ko mag deposit muna (under Article 1962 of the Civil Code, a DEPOSIT is constituted from the moment a person receives a thing belonging to another with the obligation of safely keeping it and of returning the same.**) so habangg naka queue ako, may dumerecho na mama, 

Ako: sir may pila ata, sabay turo sa likod.
 Sir: ah ganun ba
Ako: bulag lang? (pero sa isip ko lang)
Sir: miss bukas bag mo.
Ako: mabait pala, sige d pala bulag (sa isip ko lang uli)

Pagpasok ko sa Robinsons...

Ako (sa guard): kuya may MLUPA dito?
Guard: anu yun mam?
AKo: food ng baby parang cerelac ganun pero iba brand.
Guard: sa number 2 mam.
Ako: thanks

So naglakad na ako nakasalubong ko isang diser (i dunno if tama spelling)

Ako: kuya may MILUPA kayo dito?
Kuya: NILUPAK mam yung banana yan mam noh?dito mam.
Ako: (gusto tumawa) hindi MILUPA yung food ng baby.(as if may nilupak talaga sila)
Kuya: ay ganun ba mam wala po mam eh cerelac lang.
Ako: thanks!

Naglalakad nag iisip san makabili, at naisipan kong mag Festival. Habang nasa activity area sa loob ng Festival ito nakita ko

Wow cute audition ng Artista Academy Kids Edition malamang kasi puro bata. Tumigil nanuod, nakita naki palakpak. Cute ng mga bata habang rumarampa. Tinext si cutie.

Ako: cutie dito ako festi, may audition ng artista academy ng tv 5, mga kids ang cute nila, gusto ko paglaki ni baby isasali natin siya ng ganito.
Cutie: anu naman kaya talent nya mommy?
Ako: lahat tuturuan ko siya.

Hindi na naka reply si cutie, siempre illegal ang phone sa training kaya patago tago lang siya pag nagtetext sa akin. Pero tuwang-tuwa ako sa mga bata. And hindi pala sa ganda kaya nakukuha yung iba, sa confidence ng bata at ka bibohan. Ganito process sa screening nila...tatawagin ng host na bading, labas yung isang batch. Rarampa bawat isa tas pupwesto, tas magpakilala isa-isa. Name, Address at anu ang talent tapos patugtogan (gangnam style, anu panga ba) sayaw sila lahat. May 5 Judges sa baba, pipili sila ng number na tanungin (sila lang yung kumbaga binigyan ng chance to show what they've got based dun sa pagrampa,pagsayaw at pagpapakilala). Tapos, tatanungin na ni host anu name, address, anu talent. Pag singing, hala sige kanta ka, pag acting go kagad pag dancing move kagad. ganun lang.

May isang bata nag stand out talaga siya at nilamon niya ang batch nya after nya wala na kinuhang iba dami pa sana mga cute (sinabe ko na na hindi pala laging sa ganda). Hindi maganda yung bata ang makikita mo hindi sila well-off pero sobra ka bibo at galeng sumayaw, mag acting, mag modelling, to the highest ang conficence  pa. Pinakanta, tinapos ba naman buong kanta kahit, thank you ng thank you ang host, wala siya pakialam, sigawabn mga tao dahil tuwang tuwa sa kanya. Nung pasayawin sabe ng host baka tapusin na naman pag nag thank you na ako awat na ha. so sumayaw siya "teach me how to doggie" magaling din. Habang sumasayaw, bigla sabe ng host, biglang nag acting, arte din kagad siya, tas sayaw uli, tas sabe uli ng host, nag modelling, rumampa din kagad, bigla kumanta utos na nman ng host, kanta din xia. Thank you sabe ng host so tumigil na siya. Tinanong ng host

Host: anu ba hindi mo kaya gawin, eh lahat alam mo eh.
Bata: lahat po.
Host: kung ipalinis ko sayo buong mall, kaya mo?
Bata: balit ko lilinisin?

HAHAHA!natawa ako, magaling din sumagot at nag iisip din. Super proud yung parents sa kanya at galing pa pala sila sa Farview (Fairview)...Gusto ko din i explore si baby ng ganun kasi para ma boost yung confidence nya at bata pa marami na siya makasalamuha para sanay siya sa pakikipag kapwa tao.


isang araw, baby ko na din anjan.

Pagtingin ko sa watch ko, 6pm na, kailangan ko nang bumili at para makauwi. Sa Healthy Options ako nagpunta para bili ng cereal ni baby at 2 earth's best na food (prunes and peas flavor). Wala kasi ako mahanap MILUPA eh. Ito ang nabili ko (organic to kaya bet ko)

Cereal is P285, and P59 each yung baby food


Baby Lia tried the cereal kanina sa breakfast nya and she loves it! Naubos nya yung 2 tablespoon na cereal mixed with her milk (Promil Gold)


Can't wait to feed her 3 times aday. Saya nang feeling pag nauubos nya ang food. Iba talaga pag MOMMY kana at BABY mo ang pinag uusapan.







irish

Thursday, January 17, 2013

province in the CITY


It was really I, who convinced Leo (my hubby and I call him cutie) to look for another house for a better and fresher environment (fresher kasi sobra init ng dati naming tinitirhan, as in walang bentana and kahit "air" lang walang "fresh" wala kang makukuha maliban kong naka "ON" and electric fan thus, super duper gastos sa aircon) and yung tipong kahit papaano pwede kami tatanggap ng bisita na hindi masikip at nakakahiya. When sis Stella told me na may available daw sa neighbor nya, pina reserve kagad namin kasi we knew na the place and there's a lot of trees kaya SWAK sa hinahanap namin. When we came to see the house, nagustuhan kagad ni cutie and what made him more excited to pursue it? It's the backyard, may lupa pwede siya magtanim and pwede mag alaga ng chicken at birds (province style ang peg nya)! To make the entire process shorter so, we finally moved in and the first thing he had in mind is planting, AGAD-AGAD! So, check what he planted and his alaga's...





CUCUMBER- laging pinupulutan pag may inuman sa house





meet BLUE (parakeet) cutie bought this for P240.00 akala budgie kasi his Kuya gave him one para may partner daw only to find out budgies are worth P2,500 each


since hindi pwede ang parakeet and budgie so our Kuya gave another  para partner at para makaanak




 they were a happy couple and we named them " DUDUNG & INDAY (kasi bisaya ako and natutuwa si cutie pag yung pronounciation ko mali, you know the bisaya way)


wag BITTER kundi maging ganito ka, AMPALAYA!


madami nakinabang sa kanya in all his fairness pati neighbors despite the pagod sa kaka balut and the risk na  "MAHIGAD"


PAPAYA- malaki na siya ngayon at madaming bunga


SALUYOT- di to nagtagal kasi namatay sa init ata




lalo na to kinain lang ng langgam (talong)



cutie bought this at Festival Mall (takenote, siya ang namili)


cutie's favorite, OKRA!


bought at P50.00 each


PINE TREE


little FERNS




and finally here's DAGUL (kaber), pagdating nya nasa taas na ang lahat ng tanim o di kaya naka screen ang bawat puno dahil tinitira nya...



This was, a year ago kasi nung nagka baby na kami wala nang time si cutie i maintain sila lahat kasi na kay baby Lia na lahat attention nya...and si Dagul? ubos lang naman nya lahat ng halaman kaya ang natira ngayon na naka post sa taas ay papaya lang, yung ferns kasi nakasabit na siya at yung pine tree. Not that bad din actually kasi si Dagul nagkaroon ng girls (kaber and native) and dumami sila sobra. Every day may fresh eggs kami ang sobra dami sisiws. Nung una may names, kaso nalulungkot kami pag kinakatay kasi may mga names parang attach na kami masyado sa kanila so di na namin pinangalan ang next na batch ng eggs. Eventually kinatay na din namin yung 2 hens at si DAGUL (huhuhu RIP Dagul) kasi ang ingay kung maka tiktilaok kala mo buong Camella gusto gisingin. Kaya ang natira ngayon 2 anak nyang puro lalaki at natuto naring mag tiktilaok, hindi ko pa maipakatay kasi natutuwa si baby Lia sa kanila.


At this point, I'm planning to plant again this time all FLOWERS! Pero di pa ngayon masyado pa ako busy and wala pa si cutie. Maybe after his training na so we'll plant TOGETHER HAPPILY EVER AFTER!



Monday, January 14, 2013

she's got teeth!

Super saya and excited today knowing that baby lia has already her first 2 teeth at the bottom part...We were supposed to visit her ped just to have her 2nd and last dose of Rotavirus but when we were there waiting, bigla nya kinagat kamay ko ang I felt the talim.

I was super excited na to go home to check her mouth kasi nga wala ako dala alcohol and I can't wash my fingers in doc's clinic well, so talagang uwing uwi nako but 11:30 pa dumating si doc. Pero mabilis lang naman ang administration ng rota ni baby, though, umiiyak siya kasi she doesn't want her face to be touched and pag ihihiga siya, bumabangon siya at uupo, naayos naman ni doc kagad ang pagbigay.

And wait! Doc said baby is now ready for solid foods since she''ll be 6 months in the 18th, so, he suggested on what food should I offer, here are his list;

-Fruits (mango, banana, apple, pears, avocado)
  2 1/2 tbsp.

- Vegie (carrots, sweet potato, sayote)
  2 tbsp.

-Meat ( chicken)
  2 tbsp. (pinong pino)

-lugaw
  2 tbsp.

He said it's ok to offer 3x aday ang lahat ng nasa taas ng sabay sabay..Actually, lahat nakalagay siya sa isang plate, so every meal talagang mag prepare ka ng ganito lahat. I asked if pwede ang milupa or earth's best products, and he said pwede din pero mas maganda kung ikaw nalang mag prepare ng food ng baby mo. Sabagay, totoo naman.

Some say, di pwede madami ipakain kay baby but for me, it's alright kasi kahit ibigay mo ang mga yan di pa nman nya kakainin talaga kasi first, di siya marunong ngumuya, second, bago pa sa kanya ang mga yan kaya hanggang tikim tikim lang din siya..

Unfortunately, can't post photos here 'coz I dunno anu nangyari sa iPhone ko at pag isaksak sa lappy ko nag cha-charge pero di nade detect to import photos, thus, lahat ng photos naka stock pa sa phone ko.



Masayang-masaya si mommy at lalo na ang daddy nung binalita ko na may teeth na si baby at kumakain na..Sana nakita mo si baby cutie ko. And luckily, hindi nilagnat at nagtae si baby at sana naman wag na mangyari sa kanya yun sa next single tooth na dadating pa.


I had also consulted her right eye pala na lage naluluha at lage may muta, doc said just massage 3x a day the lower portion kasi baka daw nababara lang yung daluyan ng tubig..Me ganun pala talaga..Hope it will work out kasi ayoko na babalik kay doc na hindi vaccine kasi that only means may sakit si baby..(buyag pito ka balud).


Now, babalik nako sa pagbabasa. Galit na sa akin si Atty. Linatoc kasi when she asked question for me, sabe ko " what was the question mam?"patay!



irish




Wednesday, January 9, 2013

This is it!

Wow! Kay tagal kong pinagpa planuhan paano ko maiparating ang lahat na mga bagay na gusto ko malaman ng ibang tao. Yung tipong concern ka sa isang bagay at gusto mo gumawa ng move para may maitulong ka o kaya upang kapaki pakinabang ka sa lipunan. Finally, THIS IS IT! Lahat ng pagpuna ko sa mga pangyayari na aking nasasaksihan sa araw-araw ng aking buhay ay maari ko nang maipalabas. What a relief. Maganda sana dun sa Facebook wall kaso limited din ang space kaya ito talaga ang dapat.

 Ang galing, akala ko kasi pag may sarili kang website you'll need to register it and pay for the corresponding whatsoever fees but I was totally wrong, libre pala...Ang sarap magsulat, I mean technically hindi naman talaga pagsusulat to but alam mo yung feeling na, na express mo yung laman ng isip at utak mo.

Dati kasi parang gusto ko maging writer, kasi feeling ko sa dami ng mga bagay na pumapasok sa isip ko pwede ko pagtagpi- tagpiin para makagawa ng isang magandang kwento. Pero mahirap din yun, masakit sa ulo kumbaga tsaka pwede lang yun sa mga taong walang ibang trabaho kundi magsulat, mag-isip, magplano pero sa kagaya ko na lahat ng trabaho ng bahay, school, opisina (dati), naku malabo...Kaya dito ko nalang ibubuhos lahat. Sana itong blogspot ko katulad ng iba na aani ng mga papuri, makatulong sa iba, makapagbigay ng inspirasyon sa mga gusto ding magsulat at higit sa lahat mapagkunan ng magandang impormasyon.

Sa ngayon, wala pa ako pwede maisulat para sa purpose na nabanggit ko sa itaas kasi medyo overwhelmed pa feeling ko ngayon na may sarili na akong blogspot. Wala pa masyado pumapasok sa puso at isip ko kasi occupied pa sila ni happiness at ni excitement. Pero, promise sa next na post ko madami na kayo mababasa  na makaka pukaw ng interest nyo.

So, guys sa uulitin ha..





irish

first time.

YES!!! Successfully made my own blogspot!