Wow! Kay tagal kong pinagpa planuhan paano ko maiparating ang lahat na mga bagay na gusto ko malaman ng ibang tao. Yung tipong concern ka sa isang bagay at gusto mo gumawa ng move para may maitulong ka o kaya upang kapaki pakinabang ka sa lipunan. Finally, THIS IS IT! Lahat ng pagpuna ko sa mga pangyayari na aking nasasaksihan sa araw-araw ng aking buhay ay maari ko nang maipalabas. What a relief. Maganda sana dun sa Facebook wall kaso limited din ang space kaya ito talaga ang dapat.
Ang galing, akala ko kasi pag may sarili kang website you'll need to register it and pay for the corresponding whatsoever fees but I was totally wrong, libre pala...Ang sarap magsulat, I mean technically hindi naman talaga pagsusulat to but alam mo yung feeling na, na express mo yung laman ng isip at utak mo.
Dati kasi parang gusto ko maging writer, kasi feeling ko sa dami ng mga bagay na pumapasok sa isip ko pwede ko pagtagpi- tagpiin para makagawa ng isang magandang kwento. Pero mahirap din yun, masakit sa ulo kumbaga tsaka pwede lang yun sa mga taong walang ibang trabaho kundi magsulat, mag-isip, magplano pero sa kagaya ko na lahat ng trabaho ng bahay, school, opisina (dati), naku malabo...Kaya dito ko nalang ibubuhos lahat. Sana itong blogspot ko katulad ng iba na aani ng mga papuri, makatulong sa iba, makapagbigay ng inspirasyon sa mga gusto ding magsulat at higit sa lahat mapagkunan ng magandang impormasyon.
Sa ngayon, wala pa ako pwede maisulat para sa purpose na nabanggit ko sa itaas kasi medyo overwhelmed pa feeling ko ngayon na may sarili na akong blogspot. Wala pa masyado pumapasok sa puso at isip ko kasi occupied pa sila ni happiness at ni excitement. Pero, promise sa next na post ko madami na kayo mababasa na makaka pukaw ng interest nyo.
So, guys sa uulitin ha..
irish
No comments:
Post a Comment