Sunday, January 27, 2013

What transpired yesterday...


So devastated yesterday sa result ng exam namin sa Legal Forms. Well, nobody should be blamed 'bout it but ME, and ONLY ME! Not the professor, not the time but girl, yeah I know It's just ME! I'll be more focus this time. But anyway, so ganun nangyari binigay booklet namin, nakita ko score ko laglag balikat. Hayyy...sabagay 3 lang din daw nakapasa pero hindi pa rin ako dapat masaya, yun sabe ko sa sarili ko. You become, what you THINK (sabe nga ni Earl Nightangle) Kung iisipin kong KAYA ko, PWEDE at POSSIBLE!Kaya humanda KAYO! (sino may kaaway lang?) Ok, balik uli tayo sa topic, so ganun lahat kami nalungkot (except the 3 na nakapasa) tas sabe ni sir kung may exam kami sa ibang subject pwede kami mag review, so nag review ang iba. Ako pumunta sa Library at nanghiram ng book ng Admin (exam ko sa Wednesday, last subject exam for Midterms) at Taxation. Pagbalik ko sa room, dismiss na daw so pumunta kagad ako sa PNR station para umuwi. Nyemas (pahiram Carlos) pa nasiraan (ay bago pa ba sa issue na yan?) pa ang train so 2 hours akong nasa loob ng train bago mag Alabang. Derecho kagad ako sa sa 2nd floor ng Metropolis (Metropolis na pag baba mo ng station ng Alabang) sa Grennwich wala kasi ako lunch at 4pm na, buti wala tao ako kagad ini entertain ni miss...

Miss: Good Afternoon mam, anu order nyo?
Ako: pwede debit?
Miss: credit lang mam.
Ako: ay wait (tinignan ang wallet P100 lang pera) sige miss creditcard nalang.
Miss: anu po order nyo?
Ako: yung may spag at pizza.
Miss: P99. mam
Ako: (sumipat sa taas na may picture ng mga oorderin) ay yun nalang may rice, pizza,spag at chicken nalang tsaka pineapple juice, sabay abot sa creditcard.
Miss: ay may minimum po kami sa creditcard card at least P200 po.
Ako: shocks! wait wala ako pera (chineck ang coin purse)10,20,30, magkano nga uli miss?
Miss: P141 man
Ako: 10,30,40,50 ok sige meron pala...
Miss: sige mam sabay bigay sa akin nito...antayin nyo lang order nyo
Ako: anu 'to?
Miss: pag iilaw tsaka mag vibrate yan mam punta lang po kayo sa gilid ng counter para i claim yung order nyo.
Ako: so iilaw to? (paulit ulit?)
Miss: opo iilaw po yan.
Ako: wow bago ah, wala nang number.

Humanap na din ako ng mauupuan, siempre namili muna ng malamig at galeng ako sa bartolina ng train. Habang nag antay ng pag ilaw at pag vibrate niot, pinicturan ko muna siya.

As advised, umilaw at nag vibrate nga siya, tinignan ko kung may pinipindot sila panu nag work ang ganito or timer lang,pero pag punta ko to claim naka ready na ang food, Isn't that AMAZING?

so ito na ang order ko, KAIN NAAA!

reimbursement?kanino? wala para alam nyo lang magkano yung inorder ko.


After kumain, siempre busog na maganda na mode. Nagpunta ako sa Robinsons Supermarket. Since may backpack ako kailangan ko mag deposit muna (under Article 1962 of the Civil Code, a DEPOSIT is constituted from the moment a person receives a thing belonging to another with the obligation of safely keeping it and of returning the same.**) so habangg naka queue ako, may dumerecho na mama, 

Ako: sir may pila ata, sabay turo sa likod.
 Sir: ah ganun ba
Ako: bulag lang? (pero sa isip ko lang)
Sir: miss bukas bag mo.
Ako: mabait pala, sige d pala bulag (sa isip ko lang uli)

Pagpasok ko sa Robinsons...

Ako (sa guard): kuya may MLUPA dito?
Guard: anu yun mam?
AKo: food ng baby parang cerelac ganun pero iba brand.
Guard: sa number 2 mam.
Ako: thanks

So naglakad na ako nakasalubong ko isang diser (i dunno if tama spelling)

Ako: kuya may MILUPA kayo dito?
Kuya: NILUPAK mam yung banana yan mam noh?dito mam.
Ako: (gusto tumawa) hindi MILUPA yung food ng baby.(as if may nilupak talaga sila)
Kuya: ay ganun ba mam wala po mam eh cerelac lang.
Ako: thanks!

Naglalakad nag iisip san makabili, at naisipan kong mag Festival. Habang nasa activity area sa loob ng Festival ito nakita ko

Wow cute audition ng Artista Academy Kids Edition malamang kasi puro bata. Tumigil nanuod, nakita naki palakpak. Cute ng mga bata habang rumarampa. Tinext si cutie.

Ako: cutie dito ako festi, may audition ng artista academy ng tv 5, mga kids ang cute nila, gusto ko paglaki ni baby isasali natin siya ng ganito.
Cutie: anu naman kaya talent nya mommy?
Ako: lahat tuturuan ko siya.

Hindi na naka reply si cutie, siempre illegal ang phone sa training kaya patago tago lang siya pag nagtetext sa akin. Pero tuwang-tuwa ako sa mga bata. And hindi pala sa ganda kaya nakukuha yung iba, sa confidence ng bata at ka bibohan. Ganito process sa screening nila...tatawagin ng host na bading, labas yung isang batch. Rarampa bawat isa tas pupwesto, tas magpakilala isa-isa. Name, Address at anu ang talent tapos patugtogan (gangnam style, anu panga ba) sayaw sila lahat. May 5 Judges sa baba, pipili sila ng number na tanungin (sila lang yung kumbaga binigyan ng chance to show what they've got based dun sa pagrampa,pagsayaw at pagpapakilala). Tapos, tatanungin na ni host anu name, address, anu talent. Pag singing, hala sige kanta ka, pag acting go kagad pag dancing move kagad. ganun lang.

May isang bata nag stand out talaga siya at nilamon niya ang batch nya after nya wala na kinuhang iba dami pa sana mga cute (sinabe ko na na hindi pala laging sa ganda). Hindi maganda yung bata ang makikita mo hindi sila well-off pero sobra ka bibo at galeng sumayaw, mag acting, mag modelling, to the highest ang conficence  pa. Pinakanta, tinapos ba naman buong kanta kahit, thank you ng thank you ang host, wala siya pakialam, sigawabn mga tao dahil tuwang tuwa sa kanya. Nung pasayawin sabe ng host baka tapusin na naman pag nag thank you na ako awat na ha. so sumayaw siya "teach me how to doggie" magaling din. Habang sumasayaw, bigla sabe ng host, biglang nag acting, arte din kagad siya, tas sayaw uli, tas sabe uli ng host, nag modelling, rumampa din kagad, bigla kumanta utos na nman ng host, kanta din xia. Thank you sabe ng host so tumigil na siya. Tinanong ng host

Host: anu ba hindi mo kaya gawin, eh lahat alam mo eh.
Bata: lahat po.
Host: kung ipalinis ko sayo buong mall, kaya mo?
Bata: balit ko lilinisin?

HAHAHA!natawa ako, magaling din sumagot at nag iisip din. Super proud yung parents sa kanya at galing pa pala sila sa Farview (Fairview)...Gusto ko din i explore si baby ng ganun kasi para ma boost yung confidence nya at bata pa marami na siya makasalamuha para sanay siya sa pakikipag kapwa tao.


isang araw, baby ko na din anjan.

Pagtingin ko sa watch ko, 6pm na, kailangan ko nang bumili at para makauwi. Sa Healthy Options ako nagpunta para bili ng cereal ni baby at 2 earth's best na food (prunes and peas flavor). Wala kasi ako mahanap MILUPA eh. Ito ang nabili ko (organic to kaya bet ko)

Cereal is P285, and P59 each yung baby food


Baby Lia tried the cereal kanina sa breakfast nya and she loves it! Naubos nya yung 2 tablespoon na cereal mixed with her milk (Promil Gold)


Can't wait to feed her 3 times aday. Saya nang feeling pag nauubos nya ang food. Iba talaga pag MOMMY kana at BABY mo ang pinag uusapan.







irish

No comments:

Post a Comment